Delayed:)
Masaya ang araw na ito.Dahil bukod sa walang pasok. University day pa!hehe...isa pa, nkasali ako sa PSU idol.Ang isa sa mga di inaasahang pangyayari.Halos di ako nkatulog dahil dito... di maexplain ang feeling na makakasali ka sa isang contest na makikita ng buong unversity. Kinakabahan dn ako pero salamat sa aking mga kaibigan na nanjan para sa kanilang suporta. Naging abala ang CTE nung umaga dahil sa mga BIG GAMES na meron kami. Kabilang na dito eh ung Big Snake and Ladders, Big Dama, Big jackstones, Big Word factory at ang Pinoy Henyo. Nakakatuwa dahil welcome pati ang mga taga ibang college.
Nung kinagabihan, ay ung PSU idol. Ayun, ngaun ko lang naranasan ang mamake-apan ng todo, hehe. promise. At isa pa, first ko na sumali sa mga contest katulad nito. Pilit kong inaalala ang mga piyesa na tugtugin ko ng nasa memorya ko lang ang mga nota. Dati kasi, may copy talaga ako. Tanggap ko narin ang lalabas sa tawas. Alam kong magagaling ang mga kasama ko. At may kanya kanya silang field of specialization.
Nagsimula na. buti nalang ay no. 6 ako dahil pag tinamaan ako ng kaba. Eto nga pala ang line up ng tinugtog ko ayon sa trainor kong si mojo.
* Canon in D
*Runaway - the corrs (with vocals)
*intro ng 214
*intro ng so sick
*adlib ng antukin at intro ng numb
Natapos ang elimination. At sumunod agad ang Fashion art for nature. Dun naman nanalo si Angeline Bendanillo! (Lesson PLan Band yan!)After nun, sa Campus idol na naman ang stage. At nagulat ako nang makasama ako sa TOP 5 for the final presentation. Hay,! katakot. Ang final piece naman na tinugtog ko ay ung Thousand Miles by Vanessa Carlton. Talagang tinodo ko na ang showmanship ko dito. Sabi nga nila. Galaw galaw. Ayun, di ko na nga napapansin ung mga tao sa harap ko nung kumakanta ako basta ako ineenjoy ko ung kinakanta ko.
Dumating ang announcement of winners. Tinawag ang 2nd runner up. At hindi ako un,. Tumindi ang tension habang inaanounce ang winners. Maging ang kaba ko ay tumindi. Tinawag ang 1st runner up at hindi na naman tinawag ang pangalan ko. Hanggang sa.. DRUMROLL! Tinanghal na ngang PSU IDOL 2009 si hannahyama! ako un. hay, super saya ng mga oras na un. halata naman sa mga sinusulat ko noh.:) hehe.
Lubos akong ngpapasalamat sa Diyos sa pgbibigay nia sa akin ng talent. Kung hindi dahil sa kanya, wala ako ngayon sa kinalalagyan ko..
Salamat din, kay GAtz, sa pagpapahiram ng damit. Kay bern na ngmakeup sa akin, kay Mojo na ngsuggest kung ano ang mga tutugtugin ko. Sa mga kaibigan at kakila na sumoporta at sa aking pamilya.
^_______________^
♥Hannahyama♥
Saturday, November 28, 2009
Sunday, November 1, 2009
SEMBREAK
Hay, ang saya lang ng sembreak ngayon! Madaming ginagawa! eto ang hinahanap ko, dahil ang pinakaayaw ko sa lahat eh ung walang ginagawa..
Di parin kami tapos sa aming mga requirements sa school...
Nung last October 26 hanggang 28 kami ay pumunta ng Luzviminda! Muntik pa ako maiwanan dahil gabi na ako nakauwi dahil sa Celebration ng banda for our 4 monthsary! Talagang may gnun ganun pa?
Dun kami ngstay sa bahay ni Tita Nelly.
Sa Hidden Hills.
Madami kaming activties na ginawa kasama na ang panonood ng TV. Cable kasi. Hehe. Kumuha ng buko si papa dahil malapit na ang birthday nia. May countdown effect pa.
Inenjoy namin ang nature at ang pakikipaglaro namin kay Jimbo.
Actually wala kaming ginawa kundi kumain.
:)
Hannayama♥
Di parin kami tapos sa aming mga requirements sa school...
Nung last October 26 hanggang 28 kami ay pumunta ng Luzviminda! Muntik pa ako maiwanan dahil gabi na ako nakauwi dahil sa Celebration ng banda for our 4 monthsary! Talagang may gnun ganun pa?
Dun kami ngstay sa bahay ni Tita Nelly.
Sa Hidden Hills.
Madami kaming activties na ginawa kasama na ang panonood ng TV. Cable kasi. Hehe. Kumuha ng buko si papa dahil malapit na ang birthday nia. May countdown effect pa.
Inenjoy namin ang nature at ang pakikipaglaro namin kay Jimbo.
Actually wala kaming ginawa kundi kumain.
:)
Hannayama♥
Subscribe to:
Posts (Atom)