Delayed:)
Masaya ang araw na ito.Dahil bukod sa walang pasok. University day pa!hehe...isa pa, nkasali ako sa PSU idol.Ang isa sa mga di inaasahang pangyayari.Halos di ako nkatulog dahil dito... di maexplain ang feeling na makakasali ka sa isang contest na makikita ng buong unversity. Kinakabahan dn ako pero salamat sa aking mga kaibigan na nanjan para sa kanilang suporta. Naging abala ang CTE nung umaga dahil sa mga BIG GAMES na meron kami. Kabilang na dito eh ung Big Snake and Ladders, Big Dama, Big jackstones, Big Word factory at ang Pinoy Henyo. Nakakatuwa dahil welcome pati ang mga taga ibang college.
Nung kinagabihan, ay ung PSU idol. Ayun, ngaun ko lang naranasan ang mamake-apan ng todo, hehe. promise. At isa pa, first ko na sumali sa mga contest katulad nito. Pilit kong inaalala ang mga piyesa na tugtugin ko ng nasa memorya ko lang ang mga nota. Dati kasi, may copy talaga ako. Tanggap ko narin ang lalabas sa tawas. Alam kong magagaling ang mga kasama ko. At may kanya kanya silang field of specialization.
Nagsimula na. buti nalang ay no. 6 ako dahil pag tinamaan ako ng kaba. Eto nga pala ang line up ng tinugtog ko ayon sa trainor kong si mojo.
* Canon in D
*Runaway - the corrs (with vocals)
*intro ng 214
*intro ng so sick
*adlib ng antukin at intro ng numb
Natapos ang elimination. At sumunod agad ang Fashion art for nature. Dun naman nanalo si Angeline Bendanillo! (Lesson PLan Band yan!)After nun, sa Campus idol na naman ang stage. At nagulat ako nang makasama ako sa TOP 5 for the final presentation. Hay,! katakot. Ang final piece naman na tinugtog ko ay ung Thousand Miles by Vanessa Carlton. Talagang tinodo ko na ang showmanship ko dito. Sabi nga nila. Galaw galaw. Ayun, di ko na nga napapansin ung mga tao sa harap ko nung kumakanta ako basta ako ineenjoy ko ung kinakanta ko.
Dumating ang announcement of winners. Tinawag ang 2nd runner up. At hindi ako un,. Tumindi ang tension habang inaanounce ang winners. Maging ang kaba ko ay tumindi. Tinawag ang 1st runner up at hindi na naman tinawag ang pangalan ko. Hanggang sa.. DRUMROLL! Tinanghal na ngang PSU IDOL 2009 si hannahyama! ako un. hay, super saya ng mga oras na un. halata naman sa mga sinusulat ko noh.:) hehe.
Lubos akong ngpapasalamat sa Diyos sa pgbibigay nia sa akin ng talent. Kung hindi dahil sa kanya, wala ako ngayon sa kinalalagyan ko..
Salamat din, kay GAtz, sa pagpapahiram ng damit. Kay bern na ngmakeup sa akin, kay Mojo na ngsuggest kung ano ang mga tutugtugin ko. Sa mga kaibigan at kakila na sumoporta at sa aking pamilya.
^_______________^
♥Hannahyama♥
WEEEEEEEE! Randam ko ang iyong kasiyan kaibigan. Nawa'y ipagpatuloy mo iyang pasyon mo sa musika at nawa'y mangayagpag ka sa larangang iya.
ReplyDeleteNosebleed ako! my gosh! pwede taglish nlng? + informal tagalog? hihi... wew.. ang formal kc... pero congrats uliT!! khit mtgal n tong ngyari! IDOL! pag sumikat k wag mo kong klimutan.. :3
slmat n rin sa pagturo mo sakin mag paly ng piano nung highschool! aun.. napabili tuloy mama ko ng keyboard ng wala sa oras xD
gogo hanayama-chan!!!!
Salamat ann!! wee.
ReplyDeletedi kita kakalimutan wahh
supporters ko ang kawaii
at kau buddies ko! ha? wah
ahaha.. pagaaralan ko kung pano sumayaw pra ako back-up dancer mo in the future! hihihihi
ReplyDeletewahh patay tau jan haha. bale 3 na kaung dancer ko! hehehe!
ReplyDelete